Preaching ni pastor ed lapiz biography wikipedia
Ed lapiz marriage
Mula sa pagiging manggagawa ng Youth for Christ noong , ang kanyang espiritwal na paglalakbay ay nagluwal ng napakaraming puno na hitik sa bunga. Show More Siya ay isang pastor, manunulat, mananaliksik, alagad ng sining, guro, tagapagsalita, brodkaster, manlalakbay at alagad ng kultura ng bayan. Nagpunyagi siyang pairalin ang cultural redemption o pagbawi ng kultura ng bayan mula sa mga mapanirang gawa ng Kristianismo at muling paggamit ng mga katutubong wika, musika, sayaw at ritwal sa pagsambang Kristiano.
Sa pamamagitan ng kanyang pangunguna sa larangang ito, maraming kapatirang Ebangheliko ang namulat na at nagsimulang gumamit ng mga katutubong wika, sayaw, awit at tugtog sa pagsamba. Ang panulat nya sa pinaghalong Pilipino at Ingles ang bumasag sa mala-pader na eksklusibong paggamit ng wikang Ingles lamang sa mga lathalaing Kristiano-Ebangheliko.
Bilang mananaliksik, pinag-aralan at ini-rekord niya ang mahigit katutubong musika, sayaw at ritwal mula sa mahigit 50 pangkat etniko sa Pilipinas. Ini-rekord, isinulat at isinalin sa Tagalog ang mahigit sa 30 oras na awit mula sa tatlong chanter-informants. Ito ang una at hanggang sa kasalukuyan ay kaisa-isang pagsasalin ng epikong Pipino sa wikang Pilipino mula sa orihinal na katutubong wika.
Lahat ng nauna at ibang saliksik ay tuwirang isinalin ng banyagang researchers sa kani-kanilang wika. Bukod sa Tud Bulul, tinipon din niya ang iba pang maraming mga katutubong awit at panitikan. Tinipon niya ang mga tulang Tagalog mula sa Bulakan na pinagkalooban ng publishing grant ng National Commission for Culture and the Arts at nalathala sa pamagat na Sa Gulugod ng Kalabaw.
Mga Tula ng Bulakan