Maikling talambuhay ni cirio panganiban reef at night
Constitutional law 1 reviewer san beda
Si Cirio H. Panganiban ay isang manananggol at naging malaking bahagi sa kasaysayan ng panitikang Pilipino. Isa siyang makata, kwentista, mandudula, mambabalarila at guro pa ng wika. Sa kanyang pagiging kuwentista ay naiambag niya sa panitikan ang kanyang kuwentong Bunga ng Kasalanan na nalathala sa Taliba noong Ito ang naging palatandaan na nauunawaan na ng mga manunulat na Pilipino ang tunay na kaanyuan ng isang maikling kuwento.
Ito rin ang naging dahilan upang tanghalin si Panganiban na kuwentista ng taong dahil sa boto ng mga mambabasa ng magasing Liwayway. Sa larangan ng dula ay napabantog ang kanyang iisahing yugtong dula na may pamagat na Veronidia noong kung saan ginamit niya ang sagisag sa panulat na Crispin Pinagpala. Sinasabi ng mga kritiko na ang Veronidia ay nagpasigla at nagbigay-halaga sa dulang Tagalog.
Ang Sa Kabukiran ay isang dulang-awit na mula rin sa panulat ni Cirio H. Bilang makata kung saan siya higit na klnilala ay naipamana niya ang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat sa isang aklat na binlgyan ng pamagat na Salamisim na pinagsikapang ipalathala ni Teodoro Gener nang si Cirio H. Panganiban ay patay na.